Mahigit P10M, tulong ng Taiwan para sa mga biktima ng Ompong

Mahigit P10M, tulong ng Taiwan para sa mga biktima ng Ompong

October 10, 2018 @ 2:00 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagbigay ng $250,000 o katumbas ng P13,541,250 bilang donasyon ang Taiwan sa Pinas bilang tulong sa mga biktima ng Bagyong Ompong, ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) nitong Miyerkules.

Ang tulong pinansyal ay ibinagay ni Taiwan Ambassador Peiyung Hsu sa ginanap na donation ceremony sa Sofitel Hotel nitong Martes. Tinanggap ito ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Angelito Banayo.

Nanalasa ang Bagyong Ompong, pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ngayong taon, noong nakaraang buwan sa northern Luzon kung saan nag-iwan ito ng malaking pinsala sa agrikultura ng bansa at nakapagtala ng halos isang daang namatay na indibidwal.

Kabilang sa mga nauna nang nagbigay ng financial aid sa Pilipinas ay ang Australia at South Korea./Reamte News Team