MAHIGIT WALONG LIBONG PABAHAY, PINONDOHAN NG PAG-IBIG FUND

MAHIGIT WALONG LIBONG PABAHAY, PINONDOHAN NG PAG-IBIG FUND

July 28, 2022 @ 5:30 PM 2 weeks ago


MASAYANG ibinalita ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti na sa unang bahagi ng taong 2022 ay natupad nila ang pangarap ng 8,471 minimum-wage at low-income members na magkaroon ng sariling bahay, na may kabuuang halagang Php 3.67 bilyon.

Katumbas ito ng 19% ng kabuuang housing loans na pinondohan ng Pag-IBIG Fund mula January 2022 hanggang June 2022, habang 7% naman sa kabuuang pondo.

Sa loob ng anim na buwan, umabot na sa 47,184) ang housing units o katumbas ng halagang Php 51.96 billion pesos ang naipamahagi ng Pag-IBIG Fund.

Dahil alam ng Pag-IBIG Fund na isa ang pagkakaroon ng bahay sa pangarap ng bawat pamilya kaya sinimulan nito ang AHP o ang Affordable Housing Program na sadyang para sa mga minimum-wage at low-income members mula sa NCR o National Capital Region na kumikita ng Php16,000 pesos kada buwan at sa ibang rehiyon naman ay nasa Php12,000 pesos. Sa ilalim ng programa, ang eligible borrower ay makaka-enjoy ng special subsidized rate na 3% per annum para sa home loans na hanggang Php 580,000 pesos para sa socialized subdivision project.  

-ooOoo-

I-REPORT SA DOLE HOTLINE 1349 ANG MGA NAGSASAMANTALANG SA NEGOSYANTE 

NAGBIGAY-babala ang DOLE o ang Department of Labor and Employment laban sa mga indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ni DOLE secretary Bienvenido Laguesma para makapangikil ng pera.

 Ayon sa impormasyon, lumalapit sa mga negosyante at mga kumpanya na mayroong problema o isyu sa DOLE ang mga nagsasamantalang ito at kapalit ng pera diumano ay maayos nila ang gusot na kinasasangkutan ng mga ito.

Isa nga ay gumagamit ng mobile number 0928-2935724 para makapanloko.

 Nauna ng sinabi ni DOLE secretary Laguesma na sa kanyang panahon ay hindi mangyayari ang “fixers for favor” sa Kagawaran na isang porma ng graft and corruption.

Hinihikayat ang sinumang may impormasyon sa mga DOLE regional offices o sa DOLE Hotline 1349.