Mahinang pag-ulan asahan sa Batanes, Babuyan Islands

Mahinang pag-ulan asahan sa Batanes, Babuyan Islands

March 24, 2019 @ 8:52 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Asahan ang mainit na panahon sa maraming bahagi ng bansa gayong malilimitahan lang ang epekto ng northeast monsoon o amihan sa hilagang Luzon ngayong Linggo.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa amihan.

Sa natitira namang bahagi ng bansa, aasahan ang maulap na kalangitan na may panakanakang pag-ulan./Remate News Team