Mahinang pag-ulan dala ng amihan sa Batanes, Babuyan Islands

Mahinang pag-ulan dala ng amihan sa Batanes, Babuyan Islands

November 19, 2020 @ 6:33 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magdadala ng maulap na papawirin at mahihinang pag-ulan ang amihan sa Batanes, at Babuyan Islands ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging bahagya hanggang sa maulap na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dala ng amihan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms dala ng localized thunderstorm.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Magiging katamtaman hanggang sa mahangin sa extreme northern Luzon na iihip sa hilagang-silangan patungong silangan habang gayundin ang lakas ang mga alon sa mga baybayin.

Ang nalalabing parte ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa bahagyang mahangin sa direksyon ng hilagang-silangan gayundin ang alon sa mga baybayin. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...