Mahinang pag-ulan dulot ng Amihan asahan sa Luzon, Visayas – PAGASA

Mahinang pag-ulan dulot ng Amihan asahan sa Luzon, Visayas – PAGASA

December 6, 2021 @ 7:04 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas ang northeast monsoon o ‘amihan’ ngayong Lunes, Disyembre 6.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa kanilang weather advisory na inilabas Linggo ng gabi.

Sa naturang bulletin, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at hilagang bahagi ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands.

Posible rin ang kalat-kalat na pag-ulan dahil sa amihan ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Shear line o tail end ng cold front naman ang magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Oriental.

Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may tsansa ng kalat-kalat na pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa dahil sa isolated thunderstorms. RNT