Mahinang ulan asahan sa Western Visayas, Luzon sa Amihan

Mahinang ulan asahan sa Western Visayas, Luzon sa Amihan

March 9, 2023 @ 6:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang northeast monsoon o amihan sa Luzon at Western Visayas ngayong Huwebes, Marso 9.

Ito ang iniulat ng PAGASA kung saan maliban sa mga nabanggit na lugar, makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm ang Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas.

Samantala, makararanas din ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang silangang bahagi ng bansa.

Katamtamang lakas ng hangin naman ang inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/JGC