‘Maid in Malacañang’ isang dramatization ‘di dokumentaryo-MTRCB

‘Maid in Malacañang’ isang dramatization ‘di dokumentaryo-MTRCB

August 5, 2022 @ 9:28 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inilarawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang “Maid in Malacañang” bilang isang pagsasadula at hindi isang dokumentaryo.

Ang ahensya, na pinamumunuan ng appointee ni Ferdinand Marcos Jr. na si Lala Sotto-Antonio, ay nagsabing nirepaso nito ang pelikula at binigyan ito ng Parental Guidance (PG) rating, na “nangangahulugang ang isang pelikula ay maaaring maglaman ng mga tema na nangangailangan ng pangangasiwa at patnubay ng magulang.”

“We also note that the said motion picture is a dramatization of the last 72 hours of the Marcos family in the Palace in 1986 and does not purport to be a documentary,” dagdag pa ng MTRCB.

Ang pahayag ng MTRCB ay matapos ang panawagan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang ahensya na “act responsibly on this and perform its mandated duty.”

Tinawag din ng obispo ang nasabing pelikula bilang  “shameless” na pagtatangka ng pelikula na baluktutin ang kasaysayan pabor sa mga Marcos.

Si Alminaza ay isa sa ilang personalidad at grupo na kumundena sa pelikula, dahil ang eksenang naglalarawan sa yumaong pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong kasama ang mga madre ay umikot sa social media.

Sa panahon ng People Power Revolution na nagpabagsak sa diktadurang Marcos, humingi ng kanlungan si Aquino sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu.

“While the PG rating serves to guide viewers, and was assigned by the Board based on its own judgment applying contemporary Filipino cultural values as standard, parents are encouraged to conduct their own assessment and use their best judgment to guide their children’s viewing activities,” aniya pa. RNT