Maine, inako ang kasalanan sa splitup ng AlDub!

Maine, inako ang kasalanan sa splitup ng AlDub!

November 7, 2022 @ 11:46 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – It takes a great deal of humility to own up to one’s mistake.

Ganito nga ang ginawa ni Maine Mendoza na umamin sa vlog interview ni Ogie Diaz na kasalanan niya kung bakit nabuwag ang tambalan nila ni Alden Richards.

Nagresulta rin ito ng pagkabuwag sa so-called AlDub nation.

Taong 2017 at the height of the AlDub fame nang maglabas ng mahaba’t emosyonal na open letter si Maine tungkol sa real score nila ni Alden.

Dahil doon ay may mga dismayadong AlDub fans ang tumalikod sa kanilang loveteam.

May mga nanatili pa ring loyal sa kanila.

Ani Maine, “Kasalanan ko kung napaaga ang pagkabuwag ng loveteam namin…sorry.”

Gayunpaman, hindi maiaalis na marami pa ring nag-iilusyon na kasal sina Alden at Maine. Worse, may anak pa.

Paulit-ulit ding sinasabi ni Maine sa kanila na walang katotohanan ‘yon.

“Pero ayaw pa rin nilang maniwala. Pagod na ako sa kae-explain sa kanila,” pahayag ni Maine.

Kung nag-trending si Maine dahil sa panayam na ‘yon ay nag-trending din si Arjo Atayde.

As we all know, Maine is already engaged to Arjo.

Hirit ng mga fans nina Arjo at Maine, pabayaan daw ang huli kung kanino ito masaya.

Samantala, hindi pa rin sumusuko ang mga AlDub fans who are hoping to see their idols together in a project.

Nitong November 4, may panawagan ang mga ito na iboykot ang GMA, MZet at APT na tila walang planong gumawa ng proyekto para magtambal uli sina Alden at Maine.

Matagal nang panawagan ito pero apparently, walang epekto!

Boykot pa more! Ronnie Carrasco III