Maine, sinabihang pangboksingero ang braso!

Maine, sinabihang pangboksingero ang braso!

April 25, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nakatatlong anibersaryo na pala sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Isang photo sa Instagram ang ipinost ni Maine in celebration of the special occasion.

Kuha ‘yon with Maine and Arjo sa beach na may caption na: “To more coladas, laughs and sunsets with you.”

‘Yun nga lang, umariba na naman ang mga AlDub fans na hindi masaya para sa couple.

Anila, mukhang hindi raw si Maine ang nasa picture. Malaki kasi ang braso nito na puwedeng mapagkamalang pag-aari ng boksongero.

Kesyo ipinatong lang daw ang mukha nito, as in phinotoshop ang litrato.

Imposible rin daw na si Maine ang nasa photo dahil hindi raw nito hawak ang kanyang IG account.

But later on, it turned out na legit nga ang photo.

Marami naman ang naghatid ng congratulatory messages para sa couple.

Ironically, isa roon si Jake Cuenca na hiwalay na sa nobyang si Kylie Versoza after three years.

May inggit factor kaya ang congrats message ni Jake? Ronnie Carrasco III