Maine, sinabihang suplada, rumesbak!

Maine, sinabihang suplada, rumesbak!

January 15, 2023 @ 11:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nakuha pang magtimpi si Maine Mendoza sa aniya’y walang galang na sales associate sa pinuntahan niyang personal care retail store habang nagbabakasyon sa Singapore kamakailan.

Naturingan pa mandin daw na Pilipino rin ito.

Ang siste, sa mismong retail store ay walang habas na pinagkakalat ng naturang staff na suplada ang host ng Eat Bulaga.

Nagpaunlak pa rin daw si Maine sa request nitong magpa-picture.

Itinuturing ni Maine na worst experience o interaction daw ang karanasang ‘yon.

Inilarawan ni Maine na feeling entitled daw ang store personnel.

Maging ang isang grupo rin daw ng mga kababaihan na nasa retail store ay tinawag niyang bastos.

Deleted na ang social media post ng store staff na nagkuwento tungkol sa pagiging suplada ni Maine.

As for Maine, nagpigil lang daw siya dahil kung hindi raw siya nakapagtimpi ay tiyak na tinarayan niya ang tauhan ng tindahan.

Ang kasong ito’y hindi lang nag-aapply kay Maine na dapat ding maunawaan ng publiko.

Dapat malaman ng ibang tao na normal na tao rin ang mga celebrity.

May mga pagkakataon ding wala sila sa magandang mood.

Napipilitan nga ang mga celebrity na ngumiti kahit may dinaramdam sila.

In short, just like everyone else ay meron din silang mga mood swings.

Nasa paraan din ang pagre-request na makunan sila ng litrato kasama ang mga fans.

Para kay Maine, ituring na lang niyang isolated case ‘yon.

Hindi naman lahat ng mga kababayan natin sa Singapore ay ganoon ang pag-uugali. Ronnie Carrasco III