Maingat na pagbubukas ng F2F classes sa NCR ikinatuwa ni PDu30

Maingat na pagbubukas ng F2F classes sa NCR ikinatuwa ni PDu30

December 7, 2021 @ 7:24 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang dalawang taong suspensyon ng face-to-face classes.

May 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes.Β 

Layon ng pamahalaan na muling buksan ang lahat ng paaralan sa Enero 2022.

“I’m glad that they have thought of this. Just dahan-dahan lang, β€˜wag masyadong mabilis kasi just the better part of prudence,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Sinabihan ng Pangulo ang mga estudyante at guro na hindi nakasama sa programa na, “Do not be dismayed kung hindi sa inyo muna because these are all experimental and pilot projects.”Β 

“Doon muna titingnan natin kasi andoon lahat ng resources ng government, and iyong mga official andoon at makita agad, and they keep posted on what is happening,” pagpapatuloy ng Pangulo.

Ang muling pagbubukas ng klase sa capital region ay pagpapalawak ng trial ng 100 schools sa lower-risk areas na nagsimula noong nakaraang buwan.

Kailangang manatili ang pag-iingat para sa mga estudyante gaya ng paglilimita sa class sizes hanggang 15 upang maiwasan ang overcrowding. Kris Jose