Maingat na paggasta sa pondo ng bayan, siniguro ni PBBM

Maingat na paggasta sa pondo ng bayan, siniguro ni PBBM

December 7, 2022 @ 7:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, Disyembre 7 ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-presenta ng Philippine banknotes na nagtataglay ng lagda nito.

Bukod sa banknotes ay ipinresenta rin ng BSP ang bagong coin series na may BSP logo.

Nangako naman ang Pangulo na ilalaan at tutustusan nito gamit ang government money ang mga programa at proyekto na mapakikinabangan ng lahat ng mga Filipino.

“Be assured that it is the policy of this administration, to ensure that every peso and every centavo that the government spends in its programs and projects will be to the benefit of all Filipinos,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa presentasyon ng banknotes sa Malakanyang.

“So I convey my full support to all of our BSP officials and their employees. I also have complete confidence in your capability, competence, and integrity,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, tinawagan naman ng Pangulo ang BSP at iba pang concerned agencies na mas paigtingin pa ang kanilang pagsisikap laban sa counterfeiting at iba pang illegal activities, tiyakin ang price stability, pagyamanin ang banking reforms, at paghusayin pa ang estratehiya na magbibigay garantiya sa public interest na manatiling prayoridad ng gobyerno.

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga government agencies at ang mga mamamayang Filipino “to innovate and come up with sustainable and smart solutions that will uplift lives and lessen the burden on the people.”

Hiniling din ng Pangulo ang pagkakaisa para ma-improve ang kaligtasan at kahusayan ng Philippine financial system at gawin itong “instrument of progress” na mapakikinabangan ng mga ordinaryong mamamayan.

Ayon sa Pangulo, ang pagpapalabas ng bagong polymer banknote ay mas mahusay, malinis at matibay na malaking tulong sa panahon na may banta sa kalusugan dulot ng pandemya.

“It also promotes environmental sustainability and celebrates the country’s rich natural and national heritage,” wika pa ng Pangulo.

Ang bagong banknotes ay mas matibay, malinis at cost-effective ang paggawa nito, kasama ng disenyo at security features nito na magsisiguro na mailalayo ito mula sa mga maaaring mameke ng pera.

“BSP’s innovative endeavor is also consistent with the administration’s policy to promote sustainability by using environment-friendly production resulting in smaller carbon footprint and lower water and energy usage,” ayon sa Pangulo.

Samantala, muli namang nanawagan ang Pangulo ng tamang paghawak sa polymer banknotes.

Looking forward naman ang Pangulo sa pagpapatuloy ng transisyon ng bansa sa paggamit ng polymer currency. Kris Jose