Maintenance repair ikinasa sa NAIA runway; ilang flight apektado

Maintenance repair ikinasa sa NAIA runway; ilang flight apektado

July 24, 2022 @ 10:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang isinara ang isang runway sa Ninoy Aquino International Airport nitong Linggo para sa pagkukumpuni, ayon sa Manila International Airport Authority.

Inanunsyo ng MIAA na pansamantalang nakasara ang international runway 06-24 ng NAIA mula ala-1:30 ng madaling araw hanggang alas-6:20 ng umaga para sa pagkumpuni ng pothole rito

Naapektuhan umano sa pagsasara ang mga flights na gumagamit ng “wide body aircraft”, ayon pa sa pamunuan.

Samantala, nananatiling bukas ang domestic runway 13-3, batay sa MIAA said.

Natapos ang repair sa international runway at balik-normal na ang operasyon nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat.

Subalit, nagkaroon ng panibagong arrival schedules ang mga sumusunod na flight:

  • Vancouver;

  • Bangkok;

  • Hanoi;

  • Los Angeles;

  • San Francisco;

  • New York;

  • Phnom Penh;

  • Singapore;

  • Jakarta;

  • Ho Chi Minh; at

  • Dubai.

 Na-delay din ang departure schedule ng mga sumusunod:

  • Hong Kong;

  • Bangkok; at

  • Singapore.

Nag-abiso naman ang MIAA sa mga kaanak at kaibigan ng mga pasaherong sakay ng mga apketadong flight na i-check ang status ng mga nasabing flight sa pagtawag sa NAIA sa:

  • NAIA Flight Information: +632 (02) 88771109

  • NAIA Terminal 1: local 2181;

  • NAIA Terminal 2: local 2182;

  • NAIA Terminal 4: local 2184;

  • NAIA Terminal 3: +632 88777888 local 2183.

 Pwede ring mag-inquire via SMS hotline 0917-8396242 (0917-TEXNAIA) o sa pamamagitan ng voice hotline sa 88771-111. RNT/SA