Maintenance shutdown ng Malampaya nakumpleto na

Maintenance shutdown ng Malampaya nakumpleto na

February 20, 2023 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Energy nitong Lunes, Pebrero 20 na nakumpleto na ang unang maintenance shutdown ng Malampaya Deepwater Gas-to-Power, sa ilalim ng isang all-Filipino owned consortium.

Sa pahayag, sinabi ng DOE na nakumpleto na ang 15-day maintenance works mula Pebrero 4 hanggang 18, 2023 nang walang naitalang anumang insidente, sakop ang platform, pipelines at kabuuan ng sistema.

Sa ulat, naibalik na ng Prime Energy ang delivery ng Malampaya power plants bandang alas-12:01 ng madaling araw nitong Linggo, Pebrero 19.

ā€œPrior to the commencement of the work scope, the DOE together with Prime Energy, conducted numerous engagements with the stakeholder communities, local government units, and other government agencies particularly in the vicinity of the Onshore Gas Plant in Batangas,ā€ saad sa ulat.

ā€œThis was done to ensure awareness during the course of the works, particularly during flaring activities,ā€ dagdag pa ng DOE.

Kinakargahan ng Malampaya gas-to-power facility ang tatlong gas-fired power plants na may total generating capacity na 2,700 megawatts (MW) na nagsusuplay sa 30% ng pangangailangan sa kuryente ng Luzon.

Konektado sa onshore gas plants sa Batangas, ang Malampaya offshore facility sa Northern Palawan ay binuksan noong 2001.

ā€œWhile major regular maintenance works have been carried out over the last two decades, this is the first time under an all-Filipino owned consortium,ā€ ayon pa sa DOE. RNT/JGC