Maintenance shutdown sa MRT-3 ikakasa sa Abril 13-17

Maintenance shutdown sa MRT-3 ikakasa sa Abril 13-17

April 4, 2022 @ 11:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Ikakasa ang Holy Week maintenance shutdown sa MRT-3 mula Holy Wednesday, Abril 13, hanggang Easter Sunday, Abril 17.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit o makakasakay ang mga pasahero sa lahat ng mga istasyon ng tren. 

Samantala, patuloy pa rin ang  libreng sakay sa MRT-3 sa mga pasahero. Pinakamalaking bilang ng mga pasahero na kanilang naitala ay noong Biyernes na nasa mahigit 300,000.

Muling paalala naman ng mga awtoridad na sumunod sa mga safety protocols kontra-COVID-19 para sa kaligtasan ng lahat. RNT/SA