Maj. Gen Romeo Brawner Jr. bagong Philippine Army Commanding General

Maj. Gen Romeo Brawner Jr. bagong Philippine Army Commanding General

December 7, 2021 @ 7:51 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatalaga kay Major General Romeo Brawner Jr. bilang Commanding General ng Philippine Army.

“We wish General Brawner all the best in his new assignment,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Kumpiyansa naman ang Malakanyang na ipagpapatuloy ni General Brawner ang reform initiatives ng kanyang predecessors na isinulong para i-transform ang pinakamalaking sangay ng Armed Forces of the Philippines sa mas dynamic at mas professional organization na totoo sa kanyang mandato na magsilbi sa mamamayang filipino at sa bayan. RNT/FGDC