Maja, atat sa dance showdown nila ni Marian!

Maja, atat sa dance showdown nila ni Marian!

December 13, 2022 @ 1:20 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi na makapaghintay si Maja Salvador sa inaabangang dance showdown nila ni Marian Rivera.

Last Saturday, trending ang paghaharap ng dalawang aktres as they served as judges in Eat Bulaga’s Barangay Sayawan 2022.

Makikita sa video na tinuturuan sila ng dance steps ni Teacher Georcelle.

Bago rito’y pinasok ni Marian si Maja sa dressing room nito at napagkatuwaang maghaharap sa isang pasabog na dance number sa EB stage.

Ito rin ang post sa Twitter ng longest-running noontime program.

Comment ni Maja: “Naku naman, kelan ‘yan?”

Public knowledge na kahit noong dalaga pa’y kinakitaan na ng dancing skills si Marian.

With two kids, tiyak na hindi siya magpapakabog kay Maja.

‘Yun nga lang, may pagka-strenuous ang alam na choreography ni Maja palibhasa’y dalaga pa at full of energy.

Ngayon pa lang ay abangers na ang mga netizens as Marian and Maja outcompete each other in a danceable production number on Eat Bulaga.

Kapag natuloy, sino kaya ang kakabog kanino? Ronnie Carrasco III