Maja, na-bash sa pagbabalik-Kapamilya; dumepensa!

Maja, na-bash sa pagbabalik-Kapamilya; dumepensa!

October 2, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Bina-bash ngayon si Maja Salvador sa pagbabalik nito sa kanyang pinanggalingan, ang ABS-CBN.

Balitang nakatakdang gumawa ng teleserye si Maja kung saan makakasama niya si Richard Gutierrez.

Hirit ng mga bashers, noon daw na hindi pagkalooban ng prangkisa ang Kapamilya network, para raw magkaroon ng trabaho’y sumilong ang aktres sa TV5.

Hindi pa raw nakuntento, pumayag din daw si Maja na tanggapin ang offer ng Eat Bulaga sa Dancing Kween segment nito.

Kulang na raw sunggaban ni Maja ang alok mula sa Net25 at AllTV.

Depensa naman ng ilang Maja supporters, hindi naman daw nagsunog ng tulay ang aktres.

“Not because she did a show on TV5, ibig sabihin na, eh, identified na siya as Kapatid artist,” resbak ng isa sa mga tagasuporta ni Maja.

Bukod dito’y blocktimer naman daw ang Eat Bulaga, hindi station-produced: “Kaya that doesn’t make Maja a Kapuso either!”

Ang isa sa mga alaga raw niyang si John Lloyd Cruz ang Kapuso at hindi siya.

Higit daw sa lahat, not only is Maja an actress kundi isang manager din.

Ke may offer man sa kanya o wala, the mere fact that she manages artists ay mabubuhay siya. Ronnie Carrasco III