Maja, pinagdadamot ang petsa ng kasal!

Maja, pinagdadamot ang petsa ng kasal!

December 14, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Star for All Stations ang bansag sa actress-manager na si Maja Salvador.

Paano naman kasi, lagare siya sa tatlong iba’t ibang shows sa tatlong channel.

Maja is seen on ABS-CBN’s The Iron Heart.

Regular din siyang nasisilayan sa Oh My Korona sa TV5.

Araw-araw naman siyang nagpapatawa at nag-e-entertain sa Eat Bulaga sa GMA.

Mahigit isang taon na nga si Maja sa longest running noontime program.

No wonder, palagay na ang loob ng aktres sa kanyang mga kasamahan most especially Maine Mendoza.

She and Maine obviously have something in common.

Pareho silang engaged to their respective boyfriends: si Maja kay Rambo Nuñez Ortega, si Maine kay Quezon City Representative Arjo Atayde.

At siyempre, pag sinabing engaged na ang magkasintahan, wedding is on the horizon.

Hindi nga lang daw tiyak kung sino sa kanilang dalawa ni Maine will be the first to walk down the aisle.

Deliberately, ayaw ni Maja na ibahagi even with her close media friends ang altar date nila ni Rambo.

Kumbaga, it’s such a private thing na ibalato na lang daw sa kanya.

Hindi rin daw sold si Maja sa ideya na iprodyus ang kasal nila ni Rambo o ang Maine-Arjo nuptials.

One thing’s for sure daw, hindi mawawala ang EB Dabarkads sa mahalagang milestone na ‘yon ng kanyang buhay.

Ngayon pa lang, advanced best wishes and congratulations to Maja and Rambo! Ronnie Carrasco III