Maja Salvador, nakakuha ulit ng Best Actress

Maja Salvador, nakakuha ulit ng Best Actress

October 9, 2018 @ 7:57 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sinungkit ng Kapamilya star na si Maja Salvador ang Best Actress sa 5th Urduja Film Festival 2018 para sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You”.

Nauna rito, ay nanalo rin ng “Best Actress” para sa telebisyon si Maja para sa pagganap na ‘Ivy Aguas’ sa palabas na “Wildflower”.

Idinaan sa post sa Instagram account ni Maja ang kanyang pasasalamat sa pagkilala sa kanya ng naturang award-giving body.

Nagpasalamat din si ‘Carson’, (karakter na ginampanan ni Maja) sa direktor ng pelikula na si JP Habac at sa co-star nitong si Paulo Avelino na gumanap na si (Dio).

 

 

View this post on Instagram

 

Nanalo na si Carson! pero hindi sa puso ni Dio! Nanalo siya bilang Best Actress! salamat Urduja Film Festival Heritage Film Awards sa recognition po na binigay niyo! salamat po TBA sa tiwala niyo sa akin! salamat Direk @jphabac pinaranas mo sa akin ang maging Carson… salamat sa kwento mo direk bes! salamat at congrats sa lahat ng parte ng I’m Drunk I Love You Movie… salamat sa letter H mo Pathy… salamat sa support mo Jason Ty at syempre salamat sa pananakit sa akin Dio dahil sa sakit na yun nagka award ako! 🤪 @pauavelino salamat pinush mo kong gawin at tanggapin ang movie na to… Pau Pau @jascurtissmith @dominic_roco para sa atin lahat ito! Congrats po Ms. Angeli Bayani! Congrats Ms. Joanna Ampil! Cheers!!! 🥂🍻 #ImDrunkILoveYou *Swipe Left*

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Ang “I’m Drunk, I Love You” ay nasa ilalim ng direksyon ni JP Habac at film company na TBA Studios kabilang ang Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions.

Samantala, nakakuha rin ng parehong award sina Angeli Bayani para sa pelikulang “Bagahe” at Joanna Ampil sa “Ang Larawan.” (Remate News Team)