Grade 1 pupil nahulog mula sa 4th floor ng eskuwelahan sa Navotas

August 18, 2022 @3:28 PM
Views:
4
MANILA, Philippines – Aksidenteng nahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang paaralan ang Grade 1 pupil na batang lalaki Miyerkules ng hapon sa Navotas City.
Kaagad na isinugod ng security guard at utility personnel ng San Rafael Village Elementary School sa Tondo Medical Hospital ang 7-taong gulang na batang lalaki na sa kasalukuyan ay nakaratay pa sa naturang pagamutan matapos isailalim sa pagsusuri ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Deks (WCPD), nasa ika-apat na palapag ng naturang paaralan sa Brgy. San Rafael ang bata nang makita na lamang ng utility personnel na si Rommel Ballad na aksidenteng nahulog dakong alas-2:30 ng hapon.
Inatasan naman ni Ginoong Michael Daco, principal ng naturang paaralan ang school teacher na si Ethenel Jaime na alalayan ang mga magulang ng bata na kaagad ding nagtungo sa pagamutan upang alamin ang kondisyon ng kanilang anak.
Hindi naman nakalagay sa ulat ng pulisya kung naglalaro o may kasama pang ibang bata ang biktima sa ika-apat na palapag nang mangyari ang aksidente. Boysan Buenaventura
Listahan ng mga kalsadang sakop ng number coding scheme inilabas ng MMDA

August 18, 2022 @3:23 PM
Views:
10
MANILA, Philippines – Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalsada na sakop ng ipinapatupad na number coding scheme.
Batay sa “Unified Vehicular Volume Reduction Program” ng MMDA, simula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi ay ipatutupad ito sa lahat ng major thoroughfares habang ang mga secondary roads naman ay ang kanya-kanyang local government units ang may hurisdiksyon kung anong number coding scheme ang kanilang ipatutupad.
Nabatid sa MMDA na ang lahat ng sakop ng circumferential at radial roads sa Metro Manila ay “no window hour policy”.
Kabilang sa mga radial roads ay ang Roxs Boulevard mula C.M. Recto Ave. hanggang MIA Road; Taft Avenue mula Lawton hanggang Redemptorist; Pres. Osmeña Hughway mula Pres. Uirino Ave. hanggang Nichols Interchange; Shaw Boulevard mula Ramon Magsaysay Blvd. hanggang Pasig Blvd.; Ortigas Avenue mula Santolan hanggang Imelda Avenue; Aurora Blvd / Magsaysay Blvd mula Legarda / Ramon Magsaysay hanggang C5 Katipunan; España, Quezon Ave. at Commonwealth Ave. mula Carlos Palanca hanggang Quezon Ave. hanggang Commonwealth Ave. hanggang Mindanano Ave.; A. Bonifacio Ave. mula Blumentritt hanggang EDSA Balintawak; Rizal Ave. mula Carriedo hanggang Monumento, Caloocab City; at Northern Coastal mula Recto hanggang C-4.
Sa circumferential roads naman ay kabilang ang C.M. Recto Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Legarda; A.H. Lacson Ave., Pres. Quirino Ave. mula Roxas Blvd. hanggang R-10; G. Araneta Ave., Sgt. Rivera mula N. Domingo to R-10; EDSA mula R-10 hanggang Macapagal Blvd.; at Pres. C.P. Garcia Avenue mula Commonwealth Ave. hanggang South SuperHighway.
Bukod sa mga nabanggit ay may ilan pang pangunahing lansangan ang kabilang sa number coding scheme kung saan kabilang na dito ang A. Mabini St. mula Samson Road hanggang C-3; Alabang Zapote Road mula Alabang hanggang Real St. Quirino Ave.; Mc Arthur Highway mula Monumento Circle hanggang Valenzuela/Meycauyan Boundary; Marcos Highway mula Katipunan hanggang Sumulong Highway; Las Piñas City; Mandaluyong City; at Makati City. JAY Reyes
PH kinikilalang ESports capital ng mundo – Gutierrez

August 18, 2022 @3:13 PM
Views:
15
MANILA, Philippines – Opisyal nang kinikilaa bilang sentro ng Electronic and Digital Sports (ESports) ang Pilipinas sa mundo.
Ibinida ni Arniel Gutierrez ang magandang balita matapos ang opisyal na pagkakatatag ng ESports World Federation (ESWF) – ang kinikilalang amateur governing ESports body sa mundo – na nakabase sa Pilipinas.
“The Philippines is now the Mecca of ESports. Officially, tayo na ang Esports capital in the world,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS ) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.
“Kung yung International Olympic Committee (IOC) ang siyang governing body sa lahat ng traditional sports at organizers ng SEA Games, Asian Games at Olympics, ang ESWF ang siyang sentrong sports body para sa ESports. After years of planning and study and support of all Esports International Federation, particularly the China-based General Association of Asia Pacific Sports Federations (GAAPSF) whose president is now the vice president of IOC, naisakatuparan natin ang matagal ko nang pangarap,” sambit ni Gutierrez sa lingguhang sports forum na itnataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Pagcor at Behrouz Restaurant.
Ayon kay Gutierrez, may apat na Continental Federation na nakaangkla sa ESWF – ang Amateur Europe Esports Federation na pinamumunuan ni Valery Kolganov ng Israel; Organization of African Electronic Sports sa pamngunguna ni Igor Boumekpo ng Ghana; Pan-American Esports sa pamumuno ni Christopher Byrne ng Canada; at Asia-Pacific Electronic Sports Confederation sa pamumuno ni Santanu Basu.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) kung saan bahagi rin si Gutierrez ng Sports Tourism Group, opisyal na ilulunsad ang ESWF sa gaganaping Tourism Sports ESports Business sa November 25-28 sa SMX Clark sa Pampanga.
“Ito bale ang kickoff program ng ESWF, magsasagawa taio ng conference and seminars. May exhibits dahil part ito ng digitalization project ng DOT. May gagawin din tayong tournament sa Battle Royal PUBG na lalahukan ng mahigit 100 teams ng mga member organization natin. May online qualifying tayong gagawin before the main event,” sambit ni Gutierrez.
Para higit na mapabilis ang pagpapalaganap ng mga impormasyon hingil sa Esports, nakipagtambalan din si Gutierrez sa Pinoy Ako (PKO) digital apps na nakatakdang ilunsad sa Oktubre 16.
“Right now nasa testing na tayo, but before the grand launching sa Oktober puwede n rin ninyong masilip ang PKO apps but September 16,” sambit ni PKo multi-digital content creator Neil Talavera.
Ayon kay Talavera, naglaan sila ng isang channel para sa Esports upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Esports enthusiasts na masubaybayan ang kanilang hilig maging sa local at international activities.
“We all know that everyone of us spent more time in mobile phone that watching television. With this PKO apps, anytime and anywhere puwede mong subaybayan yung lahat ng gusto mo dahil hindi lang naman ESports ang nakapaloob din but all sports, may movies din at show,” sambit ni Talavera.
Iginiit naman ni Gutierrez na para mas mabigyan ng edukasyona ng mga kabataan hingil sa ESports, itinatag din niya ang ESports Academy of Asia Pacific na matatagpuan sa Dasmarinas, Cavite. Kabilang sa kursong makukuha rito ang ESports Coaching, Graphic Arts, Cyberscurity, Computer technology at BS Sports, AB Psychology Major in ESports Pschology.RICO NAVARRO
Nat’l Security Adviser dumayo sa WesCom, Pag-asa Island

August 18, 2022 @3:10 PM
Views:
12
MANILA, Philippines – Dumayo si National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos sa Western Command (Wescom) at Pag-asa Island.
Ito ay upang ipakita nito ang kanyang pangako at ng pamahalaan na poprotektahan nito ang mga mamamayan at estado.
“Her visit bespeaks of our common aspiration, strong stand, and unwavering dedication to protecting the people and the state under our responsibility,” pahayag ni Wescom Chief Vice Adm. Alberto Carlos sa isang statement nitong Miyerkules, Agosto 17.
Ito ang unang official visit ni Carlos sa mga nabanggit na lugar kung saan ay nakipagkita siya sa mga opisyal ng Wescom bago tumuloy sa Pag-asa Island sakay ng isang military aircraft.
Sa Pag-asa island naman ay nakipagkita siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga residente.
In collaboration with our peace partners, we have done our best in ensuring that the NSA’s official visit in Wescom’s area-of-responsibility is worthwhile and that there will be no stones unturned as to all security matters of utmost significance. Hence, Wescom’s commitment to national security and interests is and shall always be the order of the day,” ani Carlos. RNT
Rider tepok sa truck

August 18, 2022 @3:07 PM
Views:
16
BACOLOD CITY – Tepok ang isang rider makaraan sumalpok ito sa kasunod na truck na huminto sa unahan dahil sa ‘stop light’ noong Martes, Agosto 16 sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Jundie Doroteo, 28, ng Barangay Campo Santiago, Sagay City, Negros Occidental habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng Fuso truck na kinilalang si Kensley Rojonan, 22, ng Villa Lucasan Subdivision, Barangay Mandalagan.
Batay sa report ng Police Station 3, dakong 9:20 PM naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Lacson Street at Barangay Mandalagan in Bacolod City.