Major anti-vaccine group sa US sinipa ng Meta sa FB

Major anti-vaccine group sa US sinipa ng Meta sa FB

August 19, 2022 @ 10:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinipa ng Meta, ang kompanyang nagmamay-ari ng Facebook, ang isang pinakamaimpluwensyang anti-vaccine group sa US para sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa COVID-19.

Pumalag naman ang grupong Children’s Health Defense (CHD), na naging kritiko ng mga bakuna sa COVID, sa hakbang ng Meta at sinabing ito ay isang paglabag ng kanilang karapatan na magpahayag.

“Facebook is acting here as a surrogate for the federal government’s crusade to silence all criticism of draconian government policies,” CHD founder Robert Kennedy Jr., na pamangkin ni dating presidente John F. Kennedy, sa isang press release.

Sa panig naman ng Meta, sinabi ng tagapagsalita nitong si Aaron Simpson sa AFP na ang mga account ng grupo sa Facebook at Instagram ay isinara noong Miyerkules. Ang pagbabawal ay kasunod ng umano’y paulit-ulit na paglabag sa mga patakaran ng maling impormasyon ng Meta.

Sinabi ng CHD na ang mga social media account nito ay may daan-daang libong followers.

Giit ng CHD maaaring paggigipit lang umano ito ng Meta matapos ang kanilang inihaing kaso laban sa tech-giant sa paglabag umano nito sa malayang pananalita sa pamamagitan ng pag-asa sa US Centers for Disease Control hinggil sa kung anong impormasyon ng Covid-19 ang sinusuportahan ng siyentipiko.

Inapela ng CHD ang hakbang ng Meta sa korte. RNT