Major inalat sa casino, binitbit ng kabaro!

Major inalat sa casino, binitbit ng kabaro!

August 29, 2022 @ 7:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binitbit ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang aktibong opisyal ng kapulisan na naaktuhang nagsusugal sa loob ng isang casino sa Pasay City.

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi kinilala ni Brig. Gen. Warren De Leon, hepe ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang nahuling pulis na si Maj. Rolando Isidoro, 51, na  kasalukuyang nakatalaga sa Personnel Holding and Accounting Section ng PNP Police Security Protection Group (PSPG).

Inaresto ng mga operatiba ng IMEG National Capital Region Field Unit si Isidoro sa isang law enforcement operation alas-6:20 ng gabi noong Sabado kasunod ng ulat mula sa isang concerned citizen na ang police commissioned officer ay madalas na nakikitang naglalaro ng mga slot machine sa loob ng casino.

Ang pag-aresto ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa Regional Intelligence Division (RID) at Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Regional Office, PNP-PSPG, at Security Management Office ng Resorts World Casino.

Si Isidoro ay mahaharap sa kasong paglabag sa Article 231 ng Revised Penal Code kaugnay ng memorandum circular No. 6, series of 2016, at Republic Act 6713 bukod sa mga kasong administratibo.

“PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. recently prohibited police officers from getting involved in all forms of illegal activities. This doesn’t give good impression in their conduct as law enforcers. The bottom line is, we discourage our personnel from engaging in gambling activities since it is detrimental to their professional and personal values,” ani De Leon. RNT