Major patay, sa kabaro; suspek nagbaril-patay

Major patay, sa kabaro; suspek nagbaril-patay

June 19, 2022 @ 12:40 PM 1 week ago


CAMARINES SUR- Patay ang isang kasapi ng Philippine Army (PA) habang sugatan ang isa pa matapos umanong barilin ng kanilang opisyal dahil umano sa hindi pagkakaunawaan Sabado sa Camp Weene Martillana, San Jose, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na biktimang si PA major Garry Masedman habang sugatan si Sgt Manuel Colico Jr.

Natagpuan naman naliligo sa loob ng kanyang apartment na sinasabing nagbaril sa sarili ang suspek na si Army Capt. Martin Anosa Jr., Admin Officer at pawang mga nakadestino sa 5th Finance Service Field Office Finance Center Phil. Army.

Batay sa report ng PA 9th Infantry Division, dakong 1:30 AM naganap ang krimen sa loob ng kampo sa nabanggit na lugar.

Sa paunang imbestigasyon, bago ang krimen sinabi ni LtCol. Van Kristoffer Sumbeling, Co, PA, nasa gitna ng meeting ang mga biktima at suspek sa loob ng nasabing kampo ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Dahil dito, lumabas siya sa saglit ng quarters subalit sa kanyang pagbalik nakita na lamang niya ang mga biktima na duguan at may tama ng baril sa katawan.

Agad naman dinala ng kanilang mga kasamahan ang mga biktima sa Mother Seton Hospital subalit dineklara na rin patay si Masedman ng umatending doktor .

Tinungo naman ang apartment ni Anosa subalit bumulaga sa kanilang harapan na naliligo na ito sa sariling dugo at wala na rin buhay matapos umanong magbaril sa sarili.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Army para alamin ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico