Major pipe leak makaaantala sa suplay ng tubig sa Manila 

Major pipe leak makaaantala sa suplay ng tubig sa Manila 

February 27, 2023 @ 11:48 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Maynilad Water Service, Inc. nitong Linggo na ilang lugar sa Manila ang makararanas ng service interruptions dahil sa major pipe leak.

Sa abiso, sinabi ng Maynilad  na nagmula ang leak came sa 2,200 millimeter-diameter primary line pitong metro sa ilalim ng kahabaan ng Osmeña Highway corner Zobel Roxas sa Manila.

Nadiskubre ang pipe leak sa routine pipe network inspections gamit ang iba’t ibang acoustic leak detection equipment, dagdag nito.

“Maynilad needs to excavate the site and expose the pipe to fully assess the extent of the damage. Given the size of the pipe and the depth of its location—and depending on the repairs that will be required—the activity may take several days to implement, and this will affect water service for customers who receive their supply through this primary line,” saad sa abiso.

“Maynilad will announce the schedule of service interruptions and the specific affected areas prior to implementation of the pipe repair so that affected customers can prepare,” dagdag nito.

Sinabi ng water concessionaire na tinataya nitong papalo ang water loss recovery sa halos 20 hanggang 30 milyong litro kada araw kapag nakumpuni na ang leak.

Samantala, tiniyak naman ng Maynilad na kapag naayos na ang leak, makatutulong ang water loss recovery sa water pressure sa mga lugar at makapagpapalakas sa tubig.

“We want to implement the leak repairs as soon as possible, since repairing it will help to significantly improve service levels in the area,” ani Supply Operations Head Engr. Ronaldo Padua. RNT/SA