Makabagong PNPA isinusulong ni House Speaker Romualdez

Makabagong PNPA isinusulong ni House Speaker Romualdez

November 21, 2022 @ 12:48 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Panahon na upang magpatupad ng mga makabagong pamamaraan sa Philippine National Police Academy (PNPA) upang maagapayan ang mabilis na pagbabago sa lipunan hindi lamang sa Pilipinas kungdi maging sa buong mundo.

Partikular na binanggit ni House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang talumpati sa PNPA sa flag raising ngayong umaga na turuan ang mga magpupulis ng makabagong pamamaraan sa pagharap sa mga kriminal na ngayon ay gumagamit ng teknolohiya at mga kakaibang sistema.

“In an increasingly globalized, highly advanced society, there is a need to modernize the PNPA and educate our police corps with new methods, so they may have the competency and expertise to deal with criminals employing new schemes and technology in the commission of a crime. Sa inyo umaasa ang mga kababayan natin. Dahil sa inyo, nakakatulog sila ng mahimbing kasama ang kanilang mga pamilya,” ani Romualdez sa mga kadete sa PNPA Grandstand sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Kabilang sa mga pagbabagong binanggit ng kongresista ay ang otonomiya ng PNPA na makapagpatayo ng imprastraktura, makabili ng mga makabagong equipment, bumuo ng mga plano at polisiya, programa at mapagkalooban ang mga kadete ng benepisyo kung sakaling sa gitna ng pagsasanay ay magkaroon ng aksidente na maaring maging sanhi ng pagkabaldado at pagkamatay.

“I am of the strong belief that the PNPA must be given the autonomy to build infrastructure, acquire necessary equipment, and reorganize administrative structures. The PNPA must also be authorized to determine exclusively its plans, policies, programs, curricula, and standards of teaching and training. Finally, to boost the PNPA cadets’ morale, they should be awarded with benefits in case of disability, sickness, or even death, during training.”

Binigyang-diin ni Romualdez, suportado niya ang mga panukalang nakahain sa MaLaking Kapulungan ng Kongreso na nagsusulong sa pagmo-modernisa ng charter ng PNPA.
Banggit pa nito na meron ng mga nakahaing panukala na magpapalakas sa academic charter ng PNPA ganoon din ang pagbibigay dito ng kalayaang bumuo at magtatag ng panuntunan para sa akademiya ng walang nagdidikta o komokontrol o impluwensya galing sa labas ng paaralan.

“ Your Representatives in the 19th Congress also want to provide you, our cadets, with benefits in case of any eventuality suffered or acquired in the course of training. For the graduating cadets, we have good news for you. Your Representatives in Congress agreed to provide the budget sought by the Philippine National Police to “hire, arm and deploy” a total of 14,208 new officers next year. This budget, P5.18 billion, is for initial salary alone, not including training and equipment,” ani Romualdez.

Ayon sa speaker, mismong ang senior economist sa Kamara na si Batangas Rep. Ralph Recto na kapag napunan ang mga pwesto at natupad ang quota sa recruitment sa susunod na taon ay aabot na sa 227,410 ang mga unipormadong kapulisan sa 2023.

Ngayong 2022 ay napondohan na sa Department of Interior and Local Government na malagyan ang may 30,914 vacant positions kabilang ang 18,279 uniformed policemen; 1,601 civilian PNP personnel; 5,397 firemen; and 4,533 jail guards.

”Next year, we intend to fully exercise the oversight function of the House of Representatives to determine, among others, if the funds we allocated were utilized in accordance with the PNP’s commitment to Congress during the budget deliberations.

Titingnan po natin kung nagamit nang tama ang pondong ito. We will check if the positions created, as well as the vacant positions, were really filled up, and if these officers are really now part of the government workforce,” dagdag pa ni Romualdez. Meliza Maluntag