Makabayan Bloc: Biolab sa Tarlac City, imbestigahan

Makabayan Bloc: Biolab sa Tarlac City, imbestigahan

December 21, 2022 @ 2:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang animal disease diagnostic laboratory sa Barangay Paraiso sa Tarlac City na itinatayo at pinopondohan ng United States’ Defense Threat Reduction Agency (US-DTRA) ang nais paimbestigahan ng Makabayan sa House of Representatives.

Sa isang joint resolution na inihain sa Kamara iginiit nina ACT Teachers Partylist Rep France Castro, Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas at Kabataan Partylist Rep Raoul Manuel na dapat silipin ng mga mambabatas ang itinatayong bio-laboratory projects sa bansa.

Ayon sa Makabayan Bloc ang $643,000 halaga ng facility ay tinurn over sa pangangasiwa ng Department of Agriculture noong 2020, at layon nito na mabigyan ng advanced technology ang Central Luzon pagdating sa pangangalaga sa mga hayop partikular sa kampanya laban sa trans-boundary animal diseases.

Gayunpaman nangangamba ang mga mambabatas na may ibang dahilan ang pagtatayo ng nasabing laboratory.

“The US-DRTA is the official combat support agency of the US for countering weapons of mass destruction: chemical, biological, radiological, nuclear and high explosives. A civilian laboratory was constructed using funds of a foreign military agency, which has the responsibility of managing and integrating the US defense department’s chemical and biological defense science and technology programs,” ayon sa mga mambabatas.

“Allowing the US defense department to influence civilian agricultural initiatives gives rise to reasonable suspicions on the true objectives of these projects in the Philippines,” iginiit pa nito.

Ipinaliwanag ng mga mambabatas na totoong ang DTRA ay nagkaroon ng malaking kontribusyon para labanan noon ang ebola virus sa pamamagitan ng paglalaan ng $300 million para sa scientific research and development subalit dapat din ikonsidera na ang DTRA ay nagpartisipa din sa Syrian civil wars nang bumuo ito ng field deployable hydrolysis system na sumira sa Syrian chemical weapons bukod pa dito ay sangkot din ang DTRA sa gulo sa Iraq.

Bunga nito, umaasa ang Makabayan Bloc na titignan ng Kamara ang aktidad ng US-DTRA dahil maaaring magsilbi ang bansa bilang launch zones para sa geopolitical objectives at biological threats sa mundo at hindi lamang agricultural activities ang layunin ng itinatayong laboratory. Gail Mendoza