Makabayan bloc kay PBBM: Chinese military assets sa WPS, alisin!

Makabayan bloc kay PBBM: Chinese military assets sa WPS, alisin!

February 15, 2023 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng naging insidente ng paggamit ng China ng military-grade laser sa tropa ng Philippine Coast Guard (PCG), nanawagan ang Makabayan Bloc kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iutos na ang pag-pullout ng Chinese military assets sa West Philippine Sea(WPS).

Sa inihaing House Resolution No 781, iginiit ng Makabayan Bloc na panahon na para magpalabas ang Marcos administration ng “equivocal assertion” sa karapatan ng bansa sa Ayungin Shoal at idemand na ang paglayas ng Chinese military assets.

Giit ng Makabayan Bloc, ang panibagog insidente sa WPS ay pagpapakita na ng tahasang pambabastos sa gobyerno ng Pilipinas at hindi na uubra dito ang paghahain muli ng diplomatic protest.

“Latest incident constitutes a deliberate act of aggression by Beijing against a Philippine government vessel.This incident also escalates the string of transgressions by China in the West Philippine Sea which merit a stronger countermeasure from the Marcos Jr. administration beyond the usual filing of diplomatic protests,” nakasad sa resolusyon.

Nanawagan din ang grupo sa Senado at Kamara na magpalabas ng statement na nagkokondena sa insidente.

Samantala sa isang pahayag ay nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga Filipino na manindigan laban sa China.

“Now that China has finally owned up to its cowardly act of bullying us in our territorial seas, we condemn in the strongest terms these acts of aggression,” ani Barbers.

“We call on our fellow Filipinos to stand united and rally behind our President as he expresses our frustrations and protests diplomatically. We cannot anymore keep quiet and endure in silence. We have suffered long enough. Our fishermen have been directly victimized. As if it was not enough, they now provoked our military and committed an act of military aggression,” giit pa nito.

Nanawagan din ito sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas na tumulong para maipatupad ng bansa ang karapatan nito sa WPS.

“We call on our allies to help us in the implementation of the arbitral ruling that gave us territorial jurisdiction over the seas now being occupied illegally and without an iota of basis neither in history nor in International Law, by China,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza