Makabayan bloc nabahala sa 2 nawawalang aktibista sa Cebu

Makabayan bloc nabahala sa 2 nawawalang aktibista sa Cebu

January 15, 2023 @ 9:44 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nababahala ang Makabayan bloc, binubuo ng Alliance of Concerned Teachers Philippines (ACT), Gabriela Partylist, at Kabataan Partylist (KPL), kaugnay ng ulat na nawawala ang dalawang aktibistang nakabase sa Cebu.

Sa magkakahiwalay na pahayag ng mga grupo, iniulat na nawawala sina ACT Region 7 coordinator Dyan Gumanao at Alliance of Health Workers-Cebu coordinator Armand Dayoha.

Dagdag pa, nakaranas di-umano ang dalawa ng harassment at pagmamanman bago pa ang pagkawala ng mga ito.

“Dyan and Armand’s disappearance came after a series of reported incidents of surveillance by suspected state forces since 2020, with Dyan noting escalated tailing in the last quarter of 2022. Dyan was supposed to return to Cebu after spending the holiday break with her family last Tuesday. She was able to inform family and co-workers that the seacraft she had boarded had arrived in Cebu but has become unreachable since then,” pahayag ng ACT.

“There are strong reasons to believe that state security forces are behind the enforced disappearances of Gumanao and Dayoha,” sinabi naman ng Gabriela Partylist.

Ikinumpara naman ng Gabriela at KPL ang pagkawalang ito sa serye ng mga pandurukot na nangyari sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kasabay ng martial law.

“Sa panahon ng diktadurang Marcos sa ilalim ng batas militar, higit 1,600 na tao ang winala o naging desaparecidos dahil sa kanilang pakikibaka o trabaho para isulong ang demokratikong karapatan ng mga Pilipino tulad ng lupa, sahod, trabaho, edukasyon at iba pa,” anang KPL.

“This pattern of enforced disappearances and abduction of activists trigger a déjà vu of the atrocities committed by Marcos Jr.’s father against critics under the dark days of martial law, and should raise a strong cause for concern,” segunda naman ng Gabriela.

Dahil dito ay nanawagan ang Makabayan bloc na ibalik na ang dalawang nawawalang aktibista. RNT/JGC