Makabayan bloc naghain ng resolusyon upang parangalan si Gascon

Makabayan bloc naghain ng resolusyon upang parangalan si Gascon

October 17, 2021 @ 9:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naghain ng House resolution ang Makabayan bloc na naglalayong bigyang pagpupugay ang legasiya ng yumaong Commission on Human Rights (CHR) chairman Atty. Jose Luis Martin ‘ Chito’ Gascon.

Sa ilalim ng House Resolution No. 2298, anim na miyembro ng grupo ang nagpaabot ng kanilang pagpupugay at pag-alala sa legasiya ng yumaong peace advocate.

Sina Bayan Muna Party-list Representatives Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, atFerdinand Gaite; Gabriela Women’s Party-list Representative Arlene Brosas; ACT Teachers Party-list Representative France Castro; at Kabataan Party-list Representative Sarah Jane Elago ang pumira sa naturang resolusyon.

Maliban sa pagiging chairman ng CHR at dating congressman, si Gascon ay kabilang rin sa 1986 Constitutional Commission, na nag-draft sa 1987 Constitution, bilang pinakabatang miyembro nito.

Matatandaan noong Oktubre 9 ay puumanaw si Gascon matapos tamaan ng COVID-19. RNT