Makabayan bloc suportado ang P3B budget hike ng Comelec sa honoraria ng mga guro

Makabayan bloc suportado ang P3B budget hike ng Comelec sa honoraria ng mga guro

August 18, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pabor ang Makabayan Bloc ng Kamara sa panukala ng Commission on Elections(Comelec) na dagdagan ng P3B ang budget nito sa susunud na taon upang maitaas ang matatanggap na honoraria ng mga guro na nagsisilbing election officers tuwing eleksyon.

Ayon kina Alliance of Concerned Teachers party-list Rep France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel, tama lamang na sa taas sweldo ibalik sa mga guro ang kanilang sakripisyo tuwing eleksyon matapos na rin iveto ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang huwag patawan ng tax ang natatanggap na honorarium o sweldo ng mga guro tuwing eleksyon.

“We support the proposed increase in the honorarium for the electoral board members composed of our teachers as we are dismayed over the veto on the tax exemption on their poll duty pay.Is the President now regretting this veto kasi nakita naman niya ang outrage ng mga guro sa pag veto ng tax exemption? That is why this call to increase the compensation for them is very welcome,” pahayag ni Castro.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na dahil papatawan ng tax ang honorarium na matatanggap ng mga guro ay dapat lamang na itaas ang kanilang sahod.

“Since their honoraria will be taxed, the budget requirement will increase a bit for their honoraria to reach the same amount as what they got in the last election. If we do increase the teachers’ salary to compensate for the absence of the tax exemption, we would need P3 billion,” paliwanag ni Garcia.

Ang kasalukuyang honoraria ng mga Electoral Board at Electoral Board chairperson ay nasa pagitan ng P6,000 hanggang P10,000 subalit kung papatawan ito ng tax ay malaki ang mababawas. Gail Mendoza