Makabayan solon sa coup rumor: ‘Sad, if true’

Makabayan solon sa coup rumor: ‘Sad, if true’

January 9, 2023 @ 2:31 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakalulungkot umano ayon sa isang mambabatas kung totoo man ang bali-balita ng destabilization plot sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matatandaan na nauna nang itinanggi ng Philippine National Police ang isyung ito partikular na ang kumalat na memorandum online na naglalagay umano sa ahensya sa heightened alert dahil dito.

“Nakakabahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil kung may ganito ay maaaring magkaroon na naman ng mga coup de etat tulad nung dati at magkaroon uli ng sandamakmak na human rights violations at pagdanak ng dugo,” pahayag ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. France Castro.

“That is the sad state of the AFP today that officers are wrangling among themselves to get to the top rank and get a bigger piece of the pie while their soldiers are committing human rights violations left and right,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Castro, may mga natanggap din umano siyang balita nitong weekend na may ilang AFP personnel ang hindi masaya sa batas na nagtatakda ng fixed terms sa mga opisyal sa uniformed services.

“The supposed reason of the squabbles is Republic Act No. 11709, a law enacted by former President Rodrigo Duterte in April last year that, among others, set a fixed term of three years for eight of the most senior AFP officers, including the chief of staff and the commanders of the Army, Air Force and Navy,” aniya.

“It seems that the law is creating tensions or divisions within the military, as some members may feel that they have been passed over for promotion or that the selection process was not fair,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, nilinaw ng AFP na nananatiling normal ang sitwasyon sa loob ng kanilang headquarters sa Camp Aguinaldo.

Dagdag pa nito, pinabulaanan din nila ang alegasyon ng mass resignation. RNT/JGC