Makalumang pamamaraan ng panggagamot binuksan ng DOH-Calabarzon

Makalumang pamamaraan ng panggagamot binuksan ng DOH-Calabarzon

September 13, 2020 @ 3:18 PM 1 year ago


Calabarzon, Philippines – Binuksan na ng  Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas,  Rizal, Quezon) sa publiko ang kauna-unahang Center na nag-aalok sa makalumang pamamaraan ng panggagamot.

Sinabi ni DOH-Regional Director Eduardo C. Janairo na isang magandang altenatibo ang pagbubukas sa publiko ng Traditional Complimentary and Alternative Medicine (TCAM) upang sa pagkapanganak pa lamang sa isang bata ay maumpisahan na ang panggagamot sa pamamagitan ng isang traditional at alternative medicine upang hindi sila maging drug dependent.

Dagdag pa ni Janairo na higit na nakabubuti rin ang traditional medicine sa mga nakatatanda upang hindi sila masanay sa pag-iinom ng mga gamot.

“Kahit sino pwedeng pumunta rito, me sakit man o wala. Lalo na ang ating mga elderly na mayroong mga dinaramdam at sa mga kababayan natin na gustong magpagamot gamit ang complementary at alternative medicine para hind sila maging drug dependent,” paliwanang ni Janairo.

Ayon pa kay Janairo na mainam din na sabayan ng ehersisyo at tamang pagkain.

“Kaya importante rito ang nutrition, regular exercise at iba pang modalities na pwede nating ipasok sa TCAM kasi ito ang magpapatunay na hindi mo kailangang uminom ng maraming gamot at ‘yung sakit mo sa pagtanda ay mababawasan o hindi ka magkakasakit lalo na kung uumpisahan natin ito during early stages of life,” dagdag pa ng Regional Director.

Kabilang sa mga serbisyong medikal na inaalok ng TCAM ay ang acupuncture, yoga, ventosa, moxibustion and herbal medicines.

Ang TCAM at pakikiisa sa Alliance of Health Oriented Neighbors (AHON) na matatagpuan sa Batangas Medical Center (BatsMC) ay may sariling kuwaro para sa kanilang mini-micro laboratory, spa, assessment at evaluation, yoga at music therapy, medical work out at relief and wellness para sa kanilang mga pasyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden