Makati magbabakuna na vs COVID ng mga buntis na sa 2nd, 3rd trimester

Makati magbabakuna na vs COVID ng mga buntis na sa 2nd, 3rd trimester

August 24, 2021 @ 9:49 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng local na pamahalaan ng Makati na ang mga buntis na nasa ikalawa at ikatlong trimester ay maaari nang magpabakuna laban sa coronavirus disease o COVID-19 bunsod sa patuloy na pagsisikap ng lungsod sa pagbibigay ng bakuna sa mga residente sa gitna ng bant ana idinudulot ng mas nakahahawang Delta variant.

“Para sa lahat ng mga buntis na nasa ika-4 na buwan hanggang ika-9 na buwan (2nd at 3rd trimester), maaari na kayong magpabakuna ng mga COVID-19 vaccines na may Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration, maliban sa Gamaleya Sputnik V,” ayon sa nakasaad sa Facebook post ng lungsod.

“Samantala, maaari namang bakunahan ang mga nasa unang trimester ng kanilang pagbubuntis kung may dalang medical clearance mula sa,” saad pa ng lungsod sa Facebook post.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, ang mga interesadong magpabakuna ay maaaring mag-log in sa www.proudmakatizen.com at i-click COVID-19 vaccination form para makapagparehistro at pinaalalahanan din ang mga residente na nag walk-in ay mahigpit na ipinagbabawal.

Sa ulat ng Makati Health Department (MHD) noong Agosto 22 ay nakapagtala ang lungsod ng 2,080 aktibong kaso ng COVID-19 habang 29,309 na ang naka-recover at 772 na ang mga namatay. James I. Catapusan