Makati nakasungkit ng parangal sa unang Philippine Tourism Excellence Awards

Makati nakasungkit ng parangal sa unang Philippine Tourism Excellence Awards

November 20, 2022 @ 2:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay na kinilala na kinilala ang lungsod bilang isa sa pinakamahusay na lungsod sa bansa dahil sa pagpapanatili ng turismo sa ginanap na unang Philippine Tourism Excellence Awards ng Asian Institute of Management (AIM) at Megaworld Foundation.

Ang unang Philippine Tourism Excellence Awards ay ginanap nitong Nobyembre 18 sa Sheraton Manila Hotel sa Pasay City kung saan ang kaganapan ay bahagi ng 10th founding anniversary ng AIM-Dr. Andrew L. Tan Center for Tourism’s na may temang “A Decade of Pursuing Sustainable Tourism.”

Sinabi ni Binay na napanalunan ng lokal na pamahalaan ang parangal sa ilalim ng kategorya ng Good Local Governance dahil sa mahalagang kontribusyon sa pananatili ng urban tourism development sa lungsod.

“We are honored and humbled by this prestigious award from the AIM and Megaworld Foundation,” ani Binay.

Ayon kay Binay, nararapat na magkaroon ng makabuluhang dayalogo ang mga lokal na pamahalaan sa mga may-ari ng negosyo, residente, at iba pang stakeholders.

Nararapat din na bumuo at magpatupad ng matibay na regulasyon na makapagpo-promote ng responsableng pag-uugali sa mga turista, at mamuhunan sa proyektong imprastraktura upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente, manggagawa at turista.

Kaugnay nito ay muling binuksan ang tourist centers sa Museo ng Makati sa Poblacion at Glorietta 2 sa Ayala Center upang mabigyan ng libreng tour at mabigyan din ng pansin ang mga popular at hindi masyadong lugar sa lungsod kung kaya’t inilunsad ang MakaTurismo website nitng Setyembre 28 para makahatak ng turista at bisita ang lungsod bukod pa sa MakaTurismo vlogs.

Sinabi ni Binay na patuloy pa rin ang pagpapahalaga ang mayayaman heritage at tradisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga piyesta at iba pang programang pangkultura tulad ng Flores de Mayo sa Makati, Kalbaryo, at Prusisyon.

Nito lamang Hulyo ay sinimulan sa lungsod ang pagsasagawa ng buwanang selebrasyon ng national day ng mga ambassadors at representante mula sa iba’t-ibang embahada sa lungsod upang mapagtibay ang partnership sa mga diplomatic community. James I. Catapusan