Makati RTC, bantay sarado sa Trillanes case

Makati RTC, bantay sarado sa Trillanes case

October 9, 2018 @ 2:18 PM 4 years ago


 

Makati City – Bantay-sarado sa mga tauhan ng Makati City Police at Public Safety Department ang Makati Regional Trial Court na may hawak ng kaso ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay dahil inaasahan na magsusumite ang kampo ni Senator Antonio Trillanes ng mga karagdagang ebidensya na makapagpapatunay na nakapaghain ito ng amnesty application.

Ito ay kaugnay sa hiling ng Department of Justice na makapagpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban sa senador matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang iginawad dito.

Noong biyernes, apat na testigo ang iniharap ng kampo ng Senador na makapagpapatunay na nagsumite nga ito ng amnesty form habang sa panig ng prosekusyon ay lima ang kanilang iniharap na testigo.

Kapag naisumite ng kampo ni Trillanes ang iba pang mga ebidensya ngayong araw, bibigyan naman ni Judge Andres Soriano ang mga abogado ng gobyerno o prosekusyon ng 24 na oras para makapaghain ng kumento

Pagkatapos noon, sinabi ng hukuman ang mosyon ay submitted for resolution na.

Kung kaya’t posible na bago matapos ang linggo ay malaman na kung pagbibigyan ni Judge Soriano ang hiling ng DOJ na warrant of arrest at hdo laban kay Senator Trillanes

Matatandaang si Senator Trillanes ay nahaharap sa nonbailable na Coup d’etat case kaugnay ng Oakwood mutiny, marine standoff at Manila Peninsula Seige. Beth Dominguez