Makati Shangri-La isasara, ilang empleyado mawawalan ng trabaho

Makati Shangri-La isasara, ilang empleyado mawawalan ng trabaho

January 20, 2021 @ 5:52 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Dahil lubos din umanong naapektuhan ng pandemya, isasara ng Shangri-La ang kanilang hotel branch sa Makati simula Pebrero 1 na walang kasiguraduhan sa muling pagbubukas.

Bunsod nito maraming mga empleyado ang mawawalan ng trabaho.

Ayon sa pamunuan ng Makati Shangri-La, na bubuksan na lamang nila ito “when business conditions have improved.”

Anang hotel operator na ang pagsasara ng kanilang 5-star luxury hotel and resort sa Makati  dahil sa patuloy na “low business levels” at hindi siguradong business environment.

Ginawa na raw umano ng hotel ang lahat ng alternatibong paraan para hindi sila magsara tulad ng pagbabawas sa sahod sa management level, mas maikling pagtatrabaho, hiring freeze at pagbabawas sa paggastos sa non-essentials.

“Despite our best efforts, the prolonged recovery timeline has resulted in increasing financial pressure on the company here in the Philippines,” ayon sa kompanya.

“As part of the reorganization exercise, we will sadly be parting ways with a number of colleagues and we will be temporarily closing Makati Shangri-La, Manila,” saad pa rito.

 “We are also providing colleagues with career transition assistance to help them get back on their feet,” pagsiguro naman ng Shangri-La sa kanilang mga empleyado.

Bukod sa Makati ay may branch pa ang hotel sa Edsa Shangri-La sa Ortigas Centre, Mandaluyong City, Manila Shangri-La sa Fort in Taguig City, Shangri-La Boracay Resort and Spa, at Shangri-La Mactan Resort and Spa sa Cebu. RNT


  •  
  •  
  •