Makati vaccination card ‘di kayang pekein dahil sa built-in security – Binay

Makati vaccination card ‘di kayang pekein dahil sa built-in security – Binay

July 9, 2021 @ 11:27 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Inihayag ni Makati City Mayor Abigail “Abby” Binay na ang COVID-19 vaccination card ng lungsod ay mayroong unique security features na magagamit lamang bilang vaccine passport ng mga residente at empleyado na nakakumpleto na ng bakuna para makabiyahe sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Sinabi ni Binay na ang lokal na pamahalaan ay nag-aplay ng teknolohiya para maging tamper-proof ito at imposibleng magaya na nauna ng naiprepara para sa isinagawang pangmalawakang baksinasyon na sinimulan noon pang Marso.

“The Makati COVID-19 vaccination card has a QR code that establishments and medical facilities can scan to see a person’s vaccination status and for contact tracing purposes,” (Ang COVID-19 vaccination card ng Makati ay mayroong QR code na maaaring i-scan sa mga establishment at medikal na pasilidad upang Makita ang vaccination status ng isang tao at magagamit na rin para sa contact tracing) ani Binay.

Ayon kay Binay, ang vaccination card ng lungsod ay mayroong holographic sticker na may unique na code na hindi pwedeng gayahin o kopyahin na makikita lamang ito sa ilalim ng blue light.

“We knew from the start that COVID-19 vaccination cards would become an essential part of our daily lives. We wanted to do it right the first time, so we came up with a card that is both functional and reliable,” dagdag pa ni Binay.

Sinabi pa nito na ang pinaghandaan na ng lokal na pamahalaan ang potensyal ng card na makakapagpabago sa pagpapadali  ng travel restrictions at para mai-promote na rin ang kalayaan sa pagkilos ng mga indibidwal na nakakumpleto na ng baksinasyon.

Dagdag pa ni Binay na ang security features na nakalagay sa ipinamamahaging vaccination cards ng lokal na pamahalaan ay talagang maaasahanbilang isang vaccine passport. (James I. Catapusan)