Makukulay na parol yari sa kawayan, ibinida sa Caloocan

Makukulay na parol yari sa kawayan, ibinida sa Caloocan

October 20, 2022 @ 2:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Abala sa paggawa ng makukulay na parol ang mga tauhan mula sa Grace Park Parish sa Caloocan City na yari sa kawayan na ihuhulma sa iba’t ibang disenyo bago balutan ng makulay na plastic.

Ang parol ay isang tradisyunal na kagamitang pang-ilaw sa mga tahanang Tsino noong bago pa magkaroon ng kuryente. Katulad sa Pilipinas, ito ay simbolo ng pestibidad, mabuting hangarin, at pagpapahayag ng pag-asa para sa masaganang kinabukasan.

Noong panahon ng mga Kastila, ang parol ay ginamit ng mga ninunong Pilipino bilang ilaw sa kanilang pagpunta sa simbahan para sa siyam na araw na Simbang Gabi o Misas de Aguinaldo.

Matapos ang misa, isinasabit ang mga ito sa labas ng kanilang mga tahanan upang magsilbing liwanag sa madilim na gabi at maningning na simbolo na handa na ang pamilya upang salubungin ang pagsilang ng Tagapagligtas. Jojo Rabulan