Makulay na Pasko: Agtan As One 2021

Makulay na Pasko: Agtan As One 2021

December 16, 2021 @ 1:34 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dito sa Agtan, naniniwala kami na ang diwa ng pagbibigay ay mas nagniningning sa napakagandang panahon na ito. Sa pagkakataong ito ay nais naming magbigay ng higit pa sa mga regalo.

Inihahandog ng Agtan PH, ang Agtan as One 2021. Muli nating pabuhayin ang diwa ng musika ngayong Pasko.

Muling gaganapin ang Agtan as One 2021 sa Disyembre 18, 2021. Ito ay isang online concert na layunin ay makapagbigay ng oportunidad para sa mga lokal na artista dito sa Pilipinas upang itanghal ang kanilang musika. Ang pangalawang layunin ng pagdiriwang na ito ay makapagbigay ng mga pondo para sa napiling benepisyaryo ng organisasyon.

Para sa taon na ito, ang napiling benepisyaryo ay ang Tahanan ng Pagmamahal, isang tahanan para sa mga bata, na mahahanap sa Pasig City.

Inimbitahan ng Agtan sila Geiko, Metrocity, Lucas Miguel, Tome, Dn$ty, Half/Figurd, Serotonin, at Lola Amour upang dalawin ang ating konsyerto at iparinig sa atin ang talentong Pinoy.

Sa Agtan as One 2021 ay mayroong tayong pagkakataon na makapagbigay sa Tahanan ng Pagmamahal Children’s Orphanage. Higit pa, nakakagawa tayo ng pagbabago para sa komunidad na ito. Ang epekto ng pandemya ay naging mahirap para sa mga kawani at mga boluntaryo dahil sa kakulangan ng donasyon para sa mga supply.

Sa iyong pagsuporta sa Agtan as One 2021, ay makakabuo tayo ng pondo para sa mga pangangailangan ng ampunan. Ang mga kikitain sa tiket ay mapupunta sa kanilang agarang pangangailangan ng gatas, pagkain, at mga suplay na medikal. Samakatuwid, inaanyayahan ka ng Agtan PH na ipagdiwang ang isang makulay na Pasko kasama ang aming pamilya! RNT