Mala-eroplanong sasakyan ni Bea, pinasilip! 

Mala-eroplanong sasakyan ni Bea, pinasilip! 

October 14, 2021 @ 4:43 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa latest content ng YouTube Channel ni Bea Alonzo ay handa na siya para mag-shooting dahil ipinasilip niya ang kanyang bagong airplane cabin-inspired taping van. Mistulang nasa isang business class cabin ang actress habang nasa loob ng van na very comfortable kapag may byahe ng malayo papunta sa location taping.

Ipinasilip din ni Bea  ang overhead compartments na lalagyan ng kanyang mga gamit, dressing area, microwave, refrigerator, coffee station, television with Netflix and a full bedroom with leather door.

Ayon pa kay Bea, siya mismo ang nag-design ng car na parang nasa loob ng airplane. Noon pa raw kasi ay pangarap na niya magkaroon ng private jet.

Kung ang pag-uusapan ay ang lovelife ni Bea ay tila natagpuan na rin niya ang tunay na lalaking magmamahal sa kanya sa katauhan ni Dominic Roque. Posibleng ipagdiwang ni Bea ang kanyang kaarawan sa isang beach sa October 17.

Nasabi kasi ni Dominic na malapit na ang kaarawan ni Bea at nagyayang mag-beach.

Sinagot ito ni Bea ng, “Lika na pleaseee.”

Kaya inisip kaagad ng fans na mag-a-out ot town trip ang dalawa para sa selebrasyon ng kaarawan ng actress. Gerry Ocampo


  •  
  •  
  •