Malabon LGU bumisita sa Mandaluyong!

Malabon LGU bumisita sa Mandaluyong!

November 19, 2022 @ 12:46 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagtungo sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, City Administrator Alexander T. Rosete at mga Department Heads sa Mandaluyong City Hall para sa Mandaluyong City Benchmarking, kung saan nasaksihan nito ang kanilang best practices para mas lalong mapaunlad ang lungsod Malabon.

Bumisita rin ang mga ito sa Mandaluyong City Crematorium, kung saan ay lubos na nagpasalamat si Mayor Sandoval sa Pamahalaan ng Mandaluyong lalo na kay Mayor Benjamin Abalos dahil sa mainit na pagtanggap sa mga ito. Jojo Rabulan