Malabon nakiisa sa International Coastal Clean-Up Day

Malabon nakiisa sa International Coastal Clean-Up Day

September 17, 2022 @ 2:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilang bahagi ng paggunita sa International Coastal Clean Up Day nakiisa si Malabon Mayor Jeannie Sandoval katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang Clean-Up Drive sa kahabaan ng Lapu-Lapu Creek sa Brgy. Longos, lungsod Malabon.

Hinikayat ng alkalde ang mga mamamayan na panatilihin ang paglilinis ng kapaligiran at iwasan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan na isa sa mga sanhi ng pagbabara ng daluyan ng tubig na nagiging dahilan ng pagbaha sa lansangan. Jojo Rabulan