Malacañang, hands-off sa pagpapaaresto sa 4 na ex-Rep.

Malacañang, hands-off sa pagpapaaresto sa 4 na ex-Rep.

July 27, 2018 @ 3:44 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng korte sa paglabas ng warrant of arrest laban sa mga dating kongresista ng Makabayan bloc na sina Satur Ocampo, Rafael Mariano, Teddy Casiño at Liza Maza.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto ng Malacañang ang ‘independence’ ng mga korte at hahayaan nilang gumulong ang legal na proseso.

Naglabas ng warrant of arrest ang Palayan City Regional Trial Court laban kina Ocampo, Mariano, Casino at Maza dahil sa pagkakadawit ng mga ito sa pagdukot at pagpaslang sa mga kritiko ng Bayan Muna noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004. (Remate News Team)