Malacañang, hinimok ang mga mambabatas na magtrabaho na

Malacañang, hinimok ang mga mambabatas na magtrabaho na

July 26, 2018 @ 4:15 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hinimok ng Malakanyang ang mga kongresista na magtrabaho na para maibigay ang mas komportableng buhay ng mga Pilipino.

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay kasunod ng pagpapatalsik ng Kongreso kay Speaker Pantaleon Alvarez at ipinalit si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaang nagkakagulo pa rin ang mga kongresista lalo sa pinag-aagawang minority leader position.

Ayon kay  Presidential spokesperson Harry Roque, handang-handa na silang makipagtrabaho sa bagong liderato ng Kamara at inaasahan nilang gagamitin ni Speaker Arroyo ang kanyang kakayahan at karanasan para isulong ang mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hangad nila ang tagumpay ni Speaker Arroyo sa Kongreso bitbit ang legislative agenda ng administrasyon sa Kamara.

Samantala, pinasalamatan naman ng Malacañang ang naging serbisyo ni Alvarez sa institusyon at sa bansa habang siya ay Speaker noon.

“We look forward to Speaker Arroyo’s successful leadership in Congress, and through that, pushing the President’s priority legislation in the Lower House. Together, let us roll up our sleeves and start our work in bringing comfortable life for all Filipinos,” ayon kay Sec. Roque. (Remate News Team)