Malacañang, ikinalungkot ang bigong pagkaratipika ng Kongreso sa BOL

Malacañang, ikinalungkot ang bigong pagkaratipika ng Kongreso sa BOL

July 23, 2018 @ 2:59 PM 5 years ago


Manilas, Philippines – Ikinalungkot ng Malakanyang ang pagkabigo ng Kongreso na maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law  (BOL) bago pa mag-adjourn  ang kanilang sesyon kanina.

Lalagdaan sana ito ng Pangulo bago ang kanyang SONA kung naratipikahan lamang sana ito ng mga kongresista kung saan ay babanggitin sana ito ng Pangulo sa kanyang SONA.

Dahil dito, itinuturing ni Malakanyang na temporary setback ang kaganapan na ito sa layunin ng Duterte administration na maipagkaloob ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

“We consider this as a temporary setback in the administration’s goal of laying the foundation for a more genuine  and lasting  peace in Mindanao,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Magkagayon man ayon kay Sec. Roque ay kumpiyansa sila na malalagdaan din ni Pangulong Duterte ang BOL sa oras na kapuwa maratipikahan na ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso ang BOL.

“We, however, remain confident that President Rodrigo Roa Duterte  will sign the Bangsamoro Organic Law as soon as both houses of Congress finally ratify the bill,” aniya pa rin.

Bigo na maratipikahan sa kamara ang Bangsamoro Organic Law.

Matapos magbukas ang sesyon ng mababang kapulungan ng kongreso ay agad itong nag-adjourn pasado alas 12:00 ng tanghali.

Si House Assistant Majority Leader Rimpy Bondoc ang nag-mosyon na suspendihin na ang sesyon at magbalik na lang alas-4:00 ng hapon.

Tinanggap naman ni Deputy Speaker Gwen Garcia ang mosyon.

Isinagawa ang adjournment nang walang nararatipikahang BOL.

Maging ang napabalitang ouster o pagpapatalsik kay House Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi natalakay sa pagbubukas ng sesyon. (Kris Jose)