Malacañang niresbakan ang human rights group sa kaso ng pagpatay kay Prosecutor Tayag

Malacañang niresbakan ang human rights group sa kaso ng pagpatay kay Prosecutor Tayag

June 7, 2018 @ 5:37 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Binuweltahan ng Malakanyang ang Human Rights Group hinggil sa patuloy na pananahimik sa kaso ng pagpatay kay Ombudsman Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Tanyag.

Hinahanap ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkondena ng Human Rights Group sa kaso ni Tanyag na limang buwan nang nagdadalang-tao.

Ang labis na ipinagtataka ni Sec. Roque ay kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang naririnig na ingay mula sa Commission on Human Rights laban sa suspek na drug addict na may gawa sa karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Sec. Roque na labis na ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyaring ito sa biktima lalo pa’t nagdadalang-tao.

Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilyang naiwan ni Prosecutor Tayag na personal pa aniya niyang kilala ang biktima. (Kris Jose)