Malacañang pinasusuko si Secretary Liza Maza

Malacañang pinasusuko si Secretary Liza Maza

July 31, 2018 @ 1:09 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pinasusuko na ng Malacañang si National Anti-Povertyt Commission Secretary Liza Maza sa mga awtoridad kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kanya at sa tatlong iba pa kaugnay sa Nueva Ecija murder casae.

Sa press briefing kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson harry Roque na mananatiling kalihim ng NAPC si Maza pero kailangan niyang sumurender para malinis at maipagtanggol ang sarili dahil kung hindi ay kikilalanin na siyang pugante ng korte.

“She hasn’t been fired. But she cannot be absent. We can’t have a secretary who is a fugitive,” aniya.

“She has to heed the warrant of arrest. Not even the president can interfere in the judicial process,” dagdag pa ng tagapagsalita ng palasyo.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nagsasalita si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nasabing isyu pero inaasahan nitong susunod ang kanyang mga kalihim sa batas ng bansa.

Ang arrest warrant ay inilabas ng korte ng Nueva Ecija laban kina Maza, at dating mga kongresistang sina Satur Ocampo, Teddy Casiño at si dating DAR Secretary Rafael Mariano, sa pamamaslang sa mga kalaban sa politika noong 2006. (Remate News Team)