Malacañang Press Corps pinasalamatan ni PBBM

Malacañang Press Corps pinasalamatan ni PBBM

December 11, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Malacañang Press Corps (MPC), Sabado ng gabi, Disyembre 10 para sa suporta ng mga ito sa public information.

Sa isang dinner para sa MPC sa holiday season, tinukoy ni Pangulong Marcos ang “hard work” na ibinibigay ng mga mamamahayag sa pagbibigay ng balita sa publiko.

“So this is our version for all of you who have been so supportive… I know you have been working very, very hard to get the news out so that people know what’s going on, what we are doing here,” ayon sa Pangulo.

Wika ng Pangulo, ang pagdalo sa isang pagtitipon at salo-salo tuwing holiday season ay mahalaga lalo na sa mga Filipino.

“It is always important to take… especially pagka ganito na ano, ganito na holiday lalo na sa Pinoy, ang Pasko, it’s always important to take a step back a little bit, recharge and think again about what we are doing and that’s what Christmas is to me,” ani Pangulong Marcos.

Samantala, nakatakda namang lumipad si Pangulong Marcos sa Brussels, Belgium, Linggo ng gabi para dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

Magkakaroon din ng 10 bilateral meetings ang Pangulo sa sidelines ng summit.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa mga European business executives sa Brussels para pag-usapan ang bilyong piso na halaga ng   investments na inaasahan na makalilikha ng daang hanapbuhay para sa mga Filipino. Kris Jose