Malacañang website, suspendido para sa updates- Museum

Malacañang website, suspendido para sa updates- Museum

May 17, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang suspendido ang official website ng Malakanyang.

Sa official websites kasi nakaimbak ang repositories ng Presidential Museum and Library (PML), na pansamantalang inaccessible ngayon dahil sa updates ng content o nilalaman nito.

Ang pahayag na ito ng PML ay kasunod ng concerns o alalahanin na may historical records, kabilang na iyong Martial Law regime, ay tatanggalin mula sa nasabing website.

“Please be informed that, contrary to reports that it has been deleted, the website malacanang.gov.ph is merely suspended following measures to update the content therein and improve its security features,” ayon sa PML sa kanilang official Facebook page.

Tiniyak naman ng museum administration na ang lahat ng historical records ay “intact.”

“Rest assured that the contents of the said website have not been compromised and will be made available to the public at the soonest possible time. Thank you,” dagdag na pahayag nito.

Ang PML ay in- charge sa “preserving, managing, and promoting the history and heritage” ng Philippine presidency.

Ang updates sa website ay ginawa matapos ang May 9 elections kung saan naguna si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race, nakakuha ng 31 milyong boto kumpara kay Vice President Leni Robredo, na mayroon lamang 14 milyong boto.

Si Marcos Jr. ay anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Samantala, si dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Undersecretary Manolo Quezon III ang unang nakapansin na nawala ang website.

“malacanang.gov.ph where the repositories of the Presidential Museum and Library were, is gone,” ayon kay Quezon sa kanyang tweet.

Gayunman, sinabi nito na ang contents o nilalaman ng website ay naka-archived na bago pa ang June 30, 2016.

“To be clear: deleting http://malacanang.gov.ph could be as simple as someone wanting the online real estate for some other government purpose, or lack of interest in a museum site. Content there was archived before June 30, 2016 in site for public access/use so beyond gov’t reach,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose